ANG KABATAAN SA MAKABAGONG HENERASYON

Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga kababayan at mga magulang.sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam ang iba sa atin lalo na tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa mga lansangan.nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan?ika nga ng ating pambansang bayani(Dr.JOSE P.RIZAL)ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.ito ba’y mababaon na lamang ba sa limot?huwag naman po nating biguin ang ating pambansang bayani.kaya tayo po’y kumilos habang may panahon pa.mga Magulang makinig kayo!huwag ninyong pabayaan na lamang ang inyong mga supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang kanilang tatahakin.Kaya’t habang may panahon pa’y kumilos tayo bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon.kaya po nakapag sulat ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako pumaroon ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito.sa mga kalunsuran man o sa mga lalawigan  patunay ang mga kabataang ligaw ng landas na dapat sana’y nasa mga paaralan.ngunit nasaan sila?naroon sa mga lansangan nakikipag laro kay kamatayan maka amot man lang ng konting barya at ang iba naman ay lulong sa droga ito ang dahilan kaya kahit mga musmos pa’y nakakagawa na ng mga karumal-dumal na mga krimen.Ito ba ang mga kabataangpag-asa ng ating bayan?isa itong malaking suliranin sa ating Bansa.kaya dapat na hindi ipag-sa walang bahala sapagkat kapakananng ating lipi ang nakataya dito kaya’t pakiusap sa mga magulang alagaan ninyo ang inyong mga supling.hindi  katuwiran ang kahirapan sapagkat ang kahirapan ay kakambal na natin noong tayo ay ipinanganak.ang tamaan ay huwag magalit!…sapagkat may klase ng mga magulang na gusto pa nilang mag trabaho ang kanilang mga anak kahit ala pa sa panahon imbes na mag aral.meron namang mga magulang na luho ng katawan ang inaatupag imbes na alagaan ang mga anak.Anong klaseng mga magulang kayo?!!…Huwag naman po nating ipahiya ang lahing kayumanggi na minsa’y kinilala sa lahat ng dako hanggang sa kasalukuyan.   Sa aking palagay kahit na ilng medalya pa ang makuha ng ating pambansang kamao ay hindi kayang ikubli ang tunay na imah ng ating inang Bayan.kaya mga kababayan ko kumilos tayo habang may panahon pa huwag nating hintayin na dayuhan pa ang magsabi na linisin mo ang iyong bayan.hindi po lalabas tayong kahiya-hiya sa mga taga ibang Bansa?kaya habang may panahon pa sagipin natin ang ating mga kabataan sa bagamundong kalagayn.Ito po ang aking saloobin mga minamahal kong mga kababayan magtulungan tayong akayin sa mga mabubuting gawi ang ating mga kabataan……..FILIPINAS

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: