Marami ng mga dayuhan ang sumakop at umapi sa kapirasong lupa.Ngunit ito ay hindi pinayagan nang ating mga magigiting na mga bayani ibinuwis nila ang kanilang buhay upang makalaya sa kuko ng mga apang-aping mga dayuhan kaya ang kapirasong lupa ay nadiligan ng dugo.Kaya ang ating mga magigiting na mga bayani ay pilit kumawala sa animo’y kuko ng isang dambuhalang Agila.Agilang pilit na sakupin at pagharian ang kapirasong lupa na dapat sana’y para lamang sa munting maya na namumuhay ng payapa sa kapirasong lupa.Dapat nating tularan ang ating mga bayaning hindi nag alinlangan upang maipaglaban sa mga mananakop ang kapirasong lupa.sapagkat sa kapirasong lupang itong tumubo ang ating mga ninuno.kaya sa kapirasong lupang ito tayo magsisimula.Nilapastangan ng mga walang pag-ibig ang kapirasong lupa kaya tayo ngayon ay tila isang basang sisiw na naghahanap ng kalinga at init ng yakap ng isang ina.tulad din ng isang ina ang mga ninuno nating nagtanggol sa kapirasong lupa na kahit kailan ay hindi maaring dungisan ng sino man ang kapirasong lupa.sa makabagong panahon tayo ang mangamgalaga at kakalinga sa kapirasong lupang ipinaglaban ng ating mga ninuno.sapagkat sa kapirasong lupang ito ay muling isisilang ang makabagong pag-ibig ngunit tila yata ang kapirasong lupa ay muli nanamang naghihinagpis.Dapat ay ay hindi na maulit ang mga naganap noong una na puro paghihirap at pasakit ang naranasan ng kapirasong lupang ito at dapat rin ay hindi maulit na madiligan ng dugo ang kapirasong lupang ito.dapat ay puro pag-ibig ang mangibabaw at sana ay wala nang mangyaring karahasan sa kapirasong lupang ito.Sana maisa alang-alang ang paghihirap,Pagmamahal ng ating mga ninuno na nagpakabayani para lamang maipaglaban sa dambuhalang kuko ng agila ang kapirasong lupa.sa makabagong panahong ito wag na natin pang payagang lapastanganin at yurakan ang dangal ng kapirasong lupang ito.”FILIPINAS”
Mga Marka: Sanaysay