Imbakan para sa Mayo, 2008

TULDOK

Mayo 24, 2008

Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan na dapat mapansin at maintindihan.kahit sino ka pa?ay dapat mong malaman na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang.kahit na ang araw sa kalangitan siya ay tuldok lamang sa kalawakan lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan at tingnan mong mabuti tuldok rin ang uuwian.kaya wala kang dapat na ipagmayabang na ikaw ay mautak at maraming alam dahil kung ating iisipin at ating susuriin katulad ng lahat ikaw tuldok rin!…     FILIPINAS

DUGO at pag-ibig sa kapirasong LUPA

Mayo 3, 2008

Marami ng mga dayuhan ang sumakop at umapi sa kapirasong lupa.Ngunit ito ay hindi pinayagan nang ating mga magigiting na mga bayani ibinuwis nila ang kanilang buhay upang makalaya sa kuko ng mga apang-aping mga dayuhan kaya ang kapirasong lupa ay nadiligan ng dugo.Kaya ang ating mga magigiting na mga bayani ay pilit kumawala sa animo’y kuko ng isang dambuhalang Agila.Agilang pilit na sakupin  at pagharian ang kapirasong lupa na dapat sana’y para lamang sa munting maya na namumuhay ng payapa sa kapirasong lupa.Dapat nating tularan ang ating mga bayaning hindi nag alinlangan upang maipaglaban  sa mga mananakop ang kapirasong lupa.sapagkat sa kapirasong lupang itong tumubo ang ating mga ninuno.kaya sa kapirasong lupang ito tayo magsisimula.Nilapastangan ng mga walang pag-ibig ang kapirasong lupa kaya tayo ngayon ay tila isang basang sisiw na naghahanap ng kalinga at init ng yakap ng isang ina.tulad din ng isang ina ang mga ninuno nating nagtanggol sa kapirasong lupa na kahit kailan ay hindi maaring dungisan ng sino man ang kapirasong lupa.sa makabagong panahon tayo ang mangamgalaga at kakalinga sa kapirasong lupang ipinaglaban ng ating mga ninuno.sapagkat sa kapirasong lupang ito ay muling isisilang ang makabagong pag-ibig ngunit tila yata ang kapirasong lupa ay muli nanamang naghihinagpis.Dapat ay ay hindi na maulit  ang mga naganap noong una na puro paghihirap at pasakit ang naranasan ng kapirasong lupang ito at dapat rin ay hindi maulit na madiligan ng dugo ang kapirasong lupang ito.dapat ay puro pag-ibig ang mangibabaw at sana ay wala nang mangyaring karahasan sa kapirasong lupang ito.Sana maisa alang-alang ang paghihirap,Pagmamahal ng ating mga ninuno na nagpakabayani para lamang maipaglaban sa dambuhalang kuko ng agila ang kapirasong lupa.sa makabagong panahong ito wag na natin pang payagang lapastanganin at yurakan ang dangal ng kapirasong lupang ito.”FILIPINAS”