Bagamat mahina ako kinusa ng loob,bayang iniibig na ipagparali ang laman ng dibdib na di alinta ang madlang ligalig.sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay sapagkat di natin dapat pabayaan,iba ang kumabig ating kapalaran.tingnan’t nagdadaang halos magpangabot kababalaghang pakita ng Diyos.tingnan yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.sapagkat ng una’y kanyang nasasakupan malaking bayang nadaya’t nalalang,kaya naman ngayo’y pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan.talastas ko’t walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna,ngunit lalong talos na di naaakma na sa bayang iya’y nakisalamuha.pinghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit;ngunit kung bayan ay paya’t tahimik aliping busabos na pinaglalait.Ah!kapag nakipag isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting kaululan o kung di kaya’y magpapakamatay pag hindi sa utos ng Diyos sumuway at kung ang balang ay walang bahala at ipagpatuloy ang kaululang nasa,haharanging pilit ng dugong naglawa ng mga anak mong lubos na naaba.sasabihin niya’y tigil!at huwag kanang magpapatibulid sa ikamumura sapagkat ng ikaw lama’y guminhawa kaya ibinuhos ang madlang parusa.di ko hinahangad na ika’y lumabas sa kampo ng walang kahusaya’t sangkap sapagkat talastas kong matuwid ang landas at mahahatid ka sa pagkapahamak.ang tinutukoy ko’y diba’t ito?magkaisa ang loob ng bawat tao sa loob ng bayan at bawat baryo ay biglang maghalal ng isang pangulo..ang mga pangulo ay mag sisipag usap-usap pipili ng punong lalong nararapat humusay ng gulo magtuto sa lahat at tumayo sa bayang nag-atas ang mga pangulo habang nag huhusay ng ibat-ibang kaibigan,hinahanap naman nitong punong bayan ang punong nahalal sa mga kahangan at kung matuklasa’y biglang pupulungin pagkakaisahin ang punong susundin at sa kabayana’y lalong lalong tatanghalin sampong tagatayo na kikilalanin.Itong tagatayo’y kusang maglalakbay tutnguhin niya’y ibang kabayanan at kung matagpuan mga kababaya’y ipakikita dalang kasulatan sa kasulatang ito na ang nakapirma ay ang mga pinunong nagsugo sa kanya,upang mapagnuynuy yaong ordenanza pati ng programa ni yaong Republica.Tuloy kilalanin ni yaong kapisanan ang kapangyarihan niyang tinataglay at siya ay isa sa mangaghahalal doon sa pangulong kapunupunuan.at siya’y magtungkol maghanap sa ikagagaling nitong Filipinas at sa kabayanang sa kanya nag-atas ayon sa tadhana nitong ordenanzas at mga salin na nagpapatunay sa mga pinuno na pagkakahalal ay sa pangulo kusang ibibigay upang pagtibayin yaong katungkulan.kapag nabalita sa huning mapanglaw niyaong mga ibon sa aking pagkamatay pakatantuin mong huling binitiwan ng mga bibig ko ang iyong pangalan at siya rin naming marahil tawagin sa mga sala ko’y upang patawarin ibukas ang pinto’t tuloy papasukin sa piling tahanan ng payapa’t aliw…. ![]()
Mga Marka: Add new tag, Sanaysay