Imbakan para sa Abril, 2008

ANG KASAYSAYAN NG PAKIL,LAGUNA

Abril 18, 2008

Ang kasaysayan ng Pakil,Laguna ay nalathala sa pangpistang isyu ng isang pamplet na ANG MGA SANTO SA MAHAL NA ARAW SA PAKIL,LAGUNA sinulat nina INIGO VITO,DELIA RARELA BARCELONA at MARIA CYNTHIA MACABASCO nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ni MONITA MANALO si G.INIGO VITO nang isalaysay niya ang kasaysayan ng Pakil sa guro ng tagalog si monita manalo ay nagtuturo sa departamento ng Languages and Culture of Asia ng Pamantasan ng wisconsin sa Madeson at asawa ng taga pakil na si FELIFE MANALO.ang may akdang si G.INIGO G.VITO ay kilalang Historian ng Pakil,Laguna siya ay dating seminarista at aktibo hindi lamang sa mga gawaing pangsimbahan kundi maging sa mga gawaing pang komunidad lalo na sa bayan ng pakil.nagtamo siya ng maraming boto sa halalang lokal sa Pakil at nagsilbi bilang konsehal sa(sangguniang bayan) mula 1988 hanggang 1992. ito ang ilang eksperto sa pakikipagpanayam na ito,ANG PANAYAM KAY Ginoong VITO ni MONITA MANALO. MONITA:Ikinagagalak at ikinararangal ko pong makilala kayo,ang kilalang-kilalang taga salaysay ng bayan.G.VITO:tuloy ka iha natutuwa rin ako sapagkat intrisado ka sa kasaysayan ng bayang ito alam kong bayan ito ng kabiyak mong si FELIFE anak ni Salus Manalo dating Alkalde ng bayang ito at ni vivina ang pinsan ko ngunit higit pa sa dahilang iyang talagang madrama ang kasaysayan ng Pakil. MONITA:bakit po?…G.VITO:isinilang ang pakil noong taong 1602 noon ay baryo lamang ito ng Paete pagkatapos ay nabigyan ito ng status at naging independent noong 1676 hanggang magkarebolusyon at paalis na ang mga kastila noong katapusan ng ika-labing siyam na siglo pagkatapos noong1903 ibinigay ito sa bayan ng Pangil bilang isang baryo din laban sa intensiyon na ibalik ito sa Paete. MONITA:sa halip na paete po?…G.VITO:Oo sa Pangil napunta hanggang magsarili ito noong taong 1927 MONITA:paano po nangyari iyon?…G.VITO:magulo ang isyung ito hanggang ngayon ay may dispute pa rin kung kanino talaga ang Pakil ang isang problema ay dahil sa nakasulat ang lahat ng mga orihinal na dokumento ng Pakil sa wikang Kastila pero iilan na lamang ang nakakabasa sa kastile ngayon isa ako sa ilang ito.kaya palaging may gustong magtanong,makipag usap sa akin kagaya mo na gustong malaman ang kasaysayan ng Pakil.ikukuwento ko na ito sa iyo…MONITA:salamat po sa pagpapaunlak nyo sa akin.G.VITO:ikinagagalak kong ibahagi ang kuwentong ito sayo at sa mga mag-aaral ng tagalog at sino mang may interes sa kulturang Pilipino sa Amerika. Ito ang salaysay ni ni Ginoong INIGO G.VITO tungkol sa kasaysayn ng Pakil,Laguna *taong 1995

MASDAN MO(Ang Kapaligiran)

Abril 18, 2008

wala ka bang napapansin sa ating mga kapaligiran kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin hindi nga masama ang pag unlad at malayo-layo na rin ang ating narating ngunit masdanĀ  mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayo’y naging itim ang mga duming ating iknalat sa hangin sa langit wag na nating paabutin upang kung tayo’y pumanaw man sariwang hangin sa langit natin matitikman…..mayroon lang akong hinihiling sa aking pag panaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap nalang tayo magkantahan ang mga batang ngayon lang isnilang may hangin pa kayang matitikman may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan bakit hindi natin pag isipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi nga masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan darating ang panahon mga ibong gala ay wala ng madadapuan masdan mo ang punong dati ay kay tatag ngayo’y namamatay dahil sa ating kalokohan lahat ng bagay na narito sa lupa ay biyayang galing sa Diyos kahit nung ika’y wala pa ingatan natin at wag nang sirain pa pagkat’pag kanyang binawi tayo ay mawawlala na…..

HANGIN

Abril 18, 2008

o,hangin o,hangin pinayapa mo ang aking damdamin o,hangin o,hangin nilutas mo ang aming mga suliranin hanging maitim ang nasa bayan likha ng usok sa pagawaan ito’y hindi mo masilayan sa bundok at kabukiran!.. puno ng kawayan ang aking nakikita buhay ng karamihan sa kanya gumagaya di tiyak kung saan pupunta bawat,galaw hangin ang nagdadala aking himig inyong maririnig sa hangin na nasa paligid kasabay sa ibong nagliliparan at kaluskos ng dahon sa palayan buhay ko’y katulad nya kung saan-saan napupunta dahil sa himig na aming dala at sa hawak-hawak kong gitara…………….

SA BAYANG FILIPINAS

Abril 2, 2008

Bagamat mahina ako kinusa ng loob,bayang iniibig na ipagparali ang laman ng dibdib na di alinta ang madlang ligalig.sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay sapagkat di natin dapat pabayaan,iba ang kumabig ating kapalaran.tingnan’t nagdadaang halos magpangabot kababalaghang pakita ng Diyos.tingnan yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.sapagkat ng una’y kanyang nasasakupan malaking bayang nadaya’t nalalang,kaya naman ngayo’y pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan.talastas ko’t walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna,ngunit lalong talos na di naaakma na sa bayang iya’y nakisalamuha.pinghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit;ngunit kung bayan ay paya’t tahimik aliping busabos na pinaglalait.Ah!kapag nakipag isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting kaululan o kung di kaya’y magpapakamatay pag hindi sa utos ng Diyos sumuway at kung ang balang ay walang bahala at ipagpatuloy ang kaululang nasa,haharanging pilit ng dugong naglawa ng mga anak mong lubos na naaba.sasabihin niya’y tigil!at huwag kanang magpapatibulid sa ikamumura sapagkat ng ikaw lama’y guminhawa kaya ibinuhos ang madlang parusa.di ko hinahangad na ika’y lumabas sa kampo ng walang kahusaya’t sangkap sapagkat talastas kong matuwid ang landas at mahahatid ka sa pagkapahamak.ang tinutukoy ko’y diba’t ito?magkaisa ang loob ng bawat tao sa loob ng bayan at bawat baryo ay biglang maghalal ng isang pangulo..ang mga pangulo ay mag sisipag usap-usap pipili ng punong lalong nararapat humusay ng gulo magtuto sa lahat at tumayo sa bayang nag-atas ang mga pangulo habang nag huhusay ng ibat-ibang kaibigan,hinahanap naman nitong punong bayan ang punong nahalal sa mga kahangan at kung matuklasa’y biglang pupulungin pagkakaisahin ang punong susundin at sa kabayana’y lalong lalong tatanghalin sampong tagatayo na kikilalanin.Itong tagatayo’y kusang maglalakbay tutnguhin niya’y ibang kabayanan at kung matagpuan mga kababaya’y ipakikita dalang kasulatan sa kasulatang ito na ang nakapirma ay ang mga pinunong nagsugo sa kanya,upang mapagnuynuy yaong ordenanza pati ng programa ni yaong Republica.Tuloy kilalanin ni yaong kapisanan ang kapangyarihan niyang tinataglay at siya ay isa sa mangaghahalal doon sa pangulong kapunupunuan.at siya’y magtungkol maghanap sa ikagagaling nitong Filipinas at sa kabayanang sa kanya nag-atas ayon sa tadhana nitong ordenanzas at mga salin na nagpapatunay sa mga pinuno na pagkakahalal ay sa pangulo kusang ibibigay upang pagtibayin yaong katungkulan.kapag nabalita sa huning mapanglaw niyaong mga ibon sa aking pagkamatay pakatantuin mong huling binitiwan ng mga bibig ko ang iyong pangalan at siya rin naming marahil tawagin sa mga sala ko’y upang patawarin ibukas ang pinto’t tuloy papasukin sa piling tahanan ng payapa’t aliw…. manuel_quezon_inauguration.jpg

ANG TAO AT ANG PUNO

Abril 2, 2008

sagada-mountain-province.jpg ang kawawang puno…..ay kawawang saksi sa sunog at kasaysayan ng pag inog ng buhay…ang tao ay may buhay pitumpo’t pursiyentong tubig….buto at laman,humihinga ng carbon dioxide……humihingal sa pagsagap ng oxygen…lahat ng ito’y di nakikita ng tao,dahil nasa hangin….ang hangin ang nag uugnay sa hangin at tao.ang malaking tanong BAKIT?Ang simpleng sagot.ang tao at ang puno ay magkaugnay….dahil ang tao ay humihinga ng Co2 kailangan ito ng puno upang magbigay naman ito ng oxygen sa hangin na hinahabol ng hininga ng tao para mabuhay….ang puno ay buhay!…..buhay mo,buhay ko,buhay nating lahat sa puno umaasa kaya’t iligtas natin ang mga puno para sa tao,para sa lahat….IKAW TAO KABA?